Tuloy-tuloy ang demolition at clearing operation sa Timog Avenue upang gawing walkable at mas ligtas ang mga pathwalk sa lugar.
Bahagi ito ng proyekto ng lokal na pamahalaan para maisaayos at mapaganda ang mga pampublikong espasyo sa lungsod.
Kabilang sa mga isinagawa ang demolisyon ng arch at bollards, pagtatanggal ng pintura sa sidewalks, at paghahakot ng concrete debris.
Inaasahang tatagal ng tatlong buwan ang operasyon.
Pinangunahan ng Office of the City Mayor (OCM), Quezon City Department of Engineering (QCDE), Parks Development and Administration Department (PDAD), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Barangay and Community Relations Department (BCRD), Business Permits and Licensing Department (BPLD), Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) at District 4 Action Office ang nasabing proyekto.




