Nakiisa ang Quezon City sa pagdiriwang ng Denmark Day 2023 kahapon, June 15, kung saan ipinagdiwang ang Danish – Philippine relation at ginunita ang Danish Flag Day.
Pinangunahan nina Danish Ambassador to the Philippines H. E. Franz-Michael Skjold Mellbin at Madame Eva Fischer Mellbin ang selebrasyon bilang bahagi ng pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa.
Dumalo sa pagtitipon sina Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Marra Suntay, Coun. Egay Yap, Coun. Wency Lagumbay at QC International Film Festival Executive Director Liza Diño-Seguerra bilang kinatawan ng Lungsod Quezon.