Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa kick-off ceremony ng Women’s Month celebration ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Bilang keynote speaker, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng isang transformative program sa palupa para matiyak ang pagsusulong ng isang bansang gender responsive.
Ayon pa sa alkalde, kapag binigyan ang pagkakataon ang mga kababaihang makibahagi sa pagde-desisyon at pagbuo ng mga polisiya, bawat inisyatibo ay masisigurong tutugon sa mga suliranin ng komunidad.
Bukod kay Mayor Joy, nagbigay din ng kanyang mensahe sa mga kawani ng DAR sina Usec. Amihilda Sangcopan, at Director IV Agnes Mendoza.








