Pormal nang ibinigay ng Department of Agriculture – National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (DA-NUPAP) ang isang greenhouse facility at anim na unit ng seedling nursery sa Sunnyville Farm sa Barangay Pasong Tamo.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng mga donasyon mula kay DA Bureau of Plant Industry Director at DA-NUPAP Concurrent Director Gerald Glenn F. Panganiban.

Ang pasilidad at nursery ay makakatulong upang mas mapalago at mapangalagaan pa ang mga tanim sa Sunnyville.

Magbibigay din ang DA-NUPAP ng greenhouse facility sa mga urban farm sa barangay Old Balara, Bahay Toro, Kaligayahan, Valencia, Bagong Silangan, at Culiat.

Magsasagawa rin ang ahensya ng information caravan para mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga magsasaka sa urban agriculture.

+29