PAGBATI, LUNGSOD QUEZON! ![]()
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilalang iginawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang Good Stories Program kahapon.
Binigyang-pugay ng ahensya ang mga naging hakbang ni Mayor Joy upang isulong ang pangangalaga ng kalikasan sa QC.
Kasama ang pag-ban ng single-use plastics, paglalagay ng mga refilling stations, at paglunsad ng cash-to-trash back program para sa QCitizens.
Kinilala rin ang Barangay Commonwealth para sa kanilang programang Reskyusi Food Basket na layong tugunan ang food insecurity, malnutrition, at food waste sa komunidad.
Pinangunahan ni DENR Secretary Atty. Juan Miguel Cuna ang programa kasama sina former Chief Justice Hilario Davide Jr., Good Stories Movement Convenor Atty. Antonio Oposa, Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency Executive Director James Gawe, National Commission for Culture and the Arts Chairman Eric Zerrudo, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, at Barangay Commonwealth Kagawad Raymart Garcia.










