Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mainit na tinanggap ng QC Kabahagi Center ang mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH)–CALABARZON sa kanilang pagbisita ngayong araw.
Ibinahagi sa kanila ang award-winning innovation na Flexicoaching Program at iba pang comprehensive health services para sa children with disability.
Natutunan din nila mula sa pamunuan ng Kabahagi Center ang iba-ibang serbisyo pang-edukasyon, pangkabuhayan, at sa pagtataguyod ng inclusive communities para sa children with disability at kanilang pamilya.








