Pinarangalan ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang Quezon City Government dahil naabot ng QC ang Vax Baby Vax routine catch-up vaccination target nito.

Sa Vax Baby Vax campaign, nalagpasan ng lungsod ang target na 18,339 at umabot sa 23,806 o 129.81 percent ang vaccination coverage ng QC.

Nakatanggap din ang QC ng plaque of recognition at appreciation mula sa DOH-MMCHD dahil sa pagpapalakas ng city-wide health system na naging susi naman sa tagumpay ng Universal Health Care implementation sa NCR.

Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Quezon City Council Committee on Health and Sanitation Chairperson Coun. Bernard Herrera, at QC Health Department OIC Dr. Esperanza Anita Escaño Arias ang tumanggap ng mga pagkilala mula kay (DOH-MMCHD) Director Gloria Balboa.