Personal na pumunta sa Barangay Bagong Silangan si Department of Justice Usec. Margarita Gutierrez para mamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong #CarinaPH. Namahagi din sila ng makakain.
Aabot sa 1,000 foodpacks at hygiene supplies ang naipamahagi ni Usec. Gutierrez katuwang ang grupong kababaihan ph sa mga evacuee.