Nakatanggap ng iba-ibang livelihood packages ang mga benepisyaryong QCitizens mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Quezon City Public Employment Service Office na parte ng Labor Day Job Fair ngayong araw.
Bahagi ito ng DOLE Integrated Livelihood Program na layong tumugon sa mga informal workers sa lungsod.
Na-iturnover sa mga QCitizens ang mga packages na bigasan, high speed sewing machine at edging machine, karinderya, barbeque, at mga Nego Karts.




