Handa nang magbigay serbisyo sa mga QCitizens at mananakay sa Lungsod Quezon ang 12 E-trikes ng Department of Public Order and Safety na ngayon ay nasa National Housing Authority.
Ang mga E-trikes na ito ay karagdagang sasakyan bukod sa 96 na QCity Bus na umiikot sa buong Lungsod Quezon.
Ilan sa mga short distance routes nito ay sa paligid ng Quezon City Hall, Philcoa patungong SM North, Trinoma, Centris, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, at Cubao.
Nakahanda rin itong pumunta sa mga lugar na kailangan ng karagdagang sasakyan para sa mga pasahero.