Upang isulong ang pagbibisikleta bilang altnernative mode of transportation, nagsagawa ang Department of Public Order and Safety – Green Transport Office ng bike lesson noong October 11-12 sa mga taga-District 2.

Namahagi rin ng bike repair kits at rain coats ang DPOS-GTO sa mga QCitizens na nakilahok. Nakatanggap naman ng brand new na bisikleta ang mga ma-swerteng nanalo sa raffle draw.

Pinangunahan nina DPOS head Gen. Elmo San Diego (Ret.) at GTO chief Ms. Corazon Medes ang aktibidad kaisa sina Brgy. Batasan Hills Chairman Jojo Abad, at mga ka-partner sa cycling community tulad ng Kalyetista, Bikers United Movement, Firefly Brigade, The New Cycad Pilipinas, at MNL Moves.

+26