QC SUPPORTS WOMEN LEADERS! ️
Nagsilbing guest of honor si Mayor Joy Belmonte sa culminating activity para sa selebrasyon ng #WomensMonth ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Binigyang pagkilala ng DPWH ang mga women leaders ng ahensya para sa kanilang malaking kontribusyon sa kaunlaran ng bansa at mga proyekto ng departamento.
Ibihagi rin ng alkalde na tulad ng DPWH, marami rin ang mga mahuhusay na kababaihang bahagi ng technical workforce ng Department of Engineering ng lokal na pamahalaan.
Kasabay nito, inilunsad ang bagong coffee table book ng DPWH na pinamagatang “Breaking Barriers: The Women of DPWH Redefining Infrastructure with Steel and Grace.” Laman nito ang natatanging kwento ng mga kababaihang lider at kawani ng ahensya.
Dumalo sa programa sina DPWH Sec. Manuel Bonoan, former DPWH Sec. Rogelio Singson, Usec. Marichu Palafox, Usec. Maria Cabral, Usec. Roberto Bernardo, at iba pang mga opisyal at kawani ng DPWH.




