Nalinis na ang mga basurang nakakalat sa kahabaan ng Tomas Morato Street na naging paksa ng post sa isang Facebook page.
Pinangunahan ng Department of Sanitation and Cleanup Works ang cleanup operation.
Bagamat hindi natukoy ang nagkalat sa lugar, pinaalalahanan pa rin ng DSQC Compliance Team ang 11 establisimyento sa lugar na bahagi ng kanilang responsibilidad ang panatilihing malinis ang paligid at nagsasagawa ng proper waste segregation alinsunod sa kanilang Environmental Clearance.
Nagsagawa naman ng koordinasyon ang DSQC team sa Brgy. Laging Handa para ma-monitor ang mga business establishment na kanilang nasasakupan at masigurong sumusunod ang mga ito sa QC Environmental Code at RA 9003.