Nagsagawa ng Regular Compliance Inspection ang Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) nitong linggo sa iba-ibang lugar sa ating lungsod.
Katuwang ng DSQC sa inspeksiyon ang Quezon City Health Department (QCHD) at Quezon City Police District Deputized Sanitation Enforcement Agents (QCPD DSEA).
Layon ng operasyon na masigurong nasusunod ng mga establisimyento ang QC Environmental Code at RA 9003.
Gayundin ang masusing pagsusuri sa kalagayan ng mga pamilihan bilang hakbang sa pagpapanatili ng kalinisan at pag-iwas sa banta ng leptospirosis sa komunidad.
Para sa detalye ng aplikasyon o renewal ng Environmental Clearance, maaaring makipag-ugnayan sa DSQC:
6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D), Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage










