Namahagi ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS para sa mga residente ng District 1 – 6.
Ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng opisina ni Senator Imee Marcos at ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, Social Services Development Department at District Action Centers.
Katuwang din sa programa sina Chief of Staff Rowena Macatao, Coun. Mari Rodriguez, District Action Officers Ollie Belmonte, Tommy de Castro, Al Flores, Atty. Bong Teodoro, William Bawag, at Atty. Mark Aldave.
Ang AICS ay tulong pinansyal ng DSWD para maalalayan ang mga mahihirap na pamilya o indibidwal sa anumang ‘unexpected crisis’ tulad ng malubhang sakit o pagkamatay ng mga miyembro ng pamilya.