Muling namahagi ang Office of the President, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI), katuwang ang lokal na pamahalaan, ng financial aid para sa mga micro rice retailers sa Quezon City.
Nakatanggap ng P15,000 ang DTI-registered rice sellers and retailers bilang pangdagdag puhunan sa kanilang negosyo, alinsunod sa pagpapatupad ng Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., o ang paglalagay ng mandatory price ceiling sa bigas.




