Mainit na tinanggap ng Quezon City Government ang mga regional validators ng Seal of Good Local Governance (SGLG) na programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ibinida ng Team QC, sa pangunguna ni City Administrator Mike Alimurung, ang mga proyekto at inisyatibo ng lokal na pamahalaan para sa iba-ibang sektor, at kung paano tinitiyak ng lungsod ang mahusay na pamamahala.
Ang SGLG ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng DILG sa mga Local Government Unit na nagpapakita ng kahusayan sa pamamahala at paglilingkod sa nasasakupan.