Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang mga validators mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang bahagi ng proseso ng SubayBAYANI Awards.
Isa sa mga proyektong susuriin ng validators ay ang 54-meter long walkway na Alley 44 sa Maginhawa na dating eskinita at ngayon ay napakikinabangan na bilang parke.
Sinuri din ang Local Project Monitoring Committee ng QC upang makita ang mga best practices at implementasyon nito.
Nagsagawa ng on-site validation ang mga kawani ng DILG NCR at nakapanayam ang ilang opisyal ng Barangay UP Village.
Kasama sa pagbisita sina DILG-QC Director Manny Borromeo at City Planning and Development Department OIC Jed Gomez.










