Kinilala ang Quezon City bilang isa sa 2024 Lunsod Lunsad Awardees ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa proyektong “QCShorts Audience Development Program”.

Tinanggap ni Ms. Giana Barata, Acting Chief Operations Officer of Tourism Planning Division ng Tourism Department ang parangal bilang kinatawan ng Quezon City.

Layon ng Lunsod Lunsad Program na suportahan ang mga proyektong nagtataguyod ng cultural assets at resources ng bawat Local Government Unit (LGU).

Noong 2023 ay nakatanggap din ang ating lungsod ng grant funding para sa proyektong “Lunsod Lunsad: Creative Entrepreneurship Training Program (LL CETP)”.