QC, STILL MOST COMPETITIVE CITY!
Pinarangalan ang Quezon City Government ng limang awards mula sa idinaos na Creative Cities and Municipalities Congress 2024 na pinangasiwaan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Manila Hotel ngayong araw.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Cities and Municipalities Competitiveness Index 2024 awarding ceremony kasama sina Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia at City Planning and Development Department OIC Jose Gomez Jr.
Pinarangalan ang lungsod bilang 1st Place sa Overall Most Competitive Local Government Unit sa kategorya ng Highly Urbanized Cities.
Sinundan ito ng 1st Place sa Most Competitive: Infrastructure, dahil sa maagap na mga imprastraktura ng lungsod.
Nasungkit din ng lungsod ang 1st Place na Special Award mula sa Intellectual Property Office of the Philippines para sa pinaka maraming intellectual property filings.
Hinirang namang 2nd place ang QC sa Most Competitive: Innovation at 3rd place naman sa Most Competitive: Resiliency award categories.