Bilang suporta sa Digitalization Program sa ating mga pampublikong paaralan, mamamahagi ang Lokal na Pamahalaan ng 860 desktop computers, katuwang ang ating Local School Board.
Malaki ang maitutulong nito sa pagtuturo at pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Ang paghahatid ng de-kalidad na edukasyon ay bahagi ng 14-point agenda na patuloy na isinusulong ni Mayor Joy Belmonte.




