Isang pagbati sa kawani ng Quezon City Government na si Janz Michael S. Matic mula sa Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD)!
Grand Winner si Janz Michael sa 2025 Productivity Snaps Photo Contest na inorganisa ng Development Academy of the Philippines (DAP).
Napili ang kaniyang winning entry na pinamagatang “Ease for All Ages” kung saan makikita ang QC E-services kiosks na ginagamit ng mga QCitizen, para sa mas madali at mabilis na access sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng nasabing paligsahan na ibida ang mga larawang sumasalamin sa inobasyon at produktibidad ng pampublikong sektor.
