Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga delegado mula sa Development Academy of the Philippines, Center for Excellence in Public Sector Productivity, at Asian Productivity Organization para sa kanilang site visit sa QC Hall.

Ibinahagi ni Mayor Joy ang best practices ng QC at mga programa nito na matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng tapat at maayos na pamamahala.

Nagbigay rin ng mensahe si City Administrator Michael Alimurung ukol sa pag transition sa digitalization ng business at building permit application processes at pagtatag ng online QC e-services platform.

Kabilang sa mga nagtalakay ng kanilang mga programa sina Business Permits and Licensing Department head Ms. Margie Mejia, Department of Building Official head Engr. Isagani Versoza Jr., at Atty. Rainneheart M. Masorong, Acting Chief Administrative Officer ng DBO.

+33