Nagbigay ng donasyon ang Development Bank of the Philippines ng halagang P100,000 sa Quezon City Government sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Lab For All Project. Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang tseke.

Magagamit ito ng lokal na pamahalaan sa mga programa at proyektong makakatulong sa mga QCitizen.

Nakiisa sa turnover si First Lady Louise Araneta-Marcos na nanguna sa pagbubukas ng Lab for All sa QC.

Maraming salamat po sa Development Bank of the Philippines.