Bumisita sa QC Kabahagi Center for Children with Disabilities ang 23 developmental pediatricians mula sa Neurodevelopmental Pediatrics Section ng

Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Bahagi ito ng kanilang benchmarking activity sa mga community-based rehabilitation program sa lungsod.

Pinangunahan ni Dr. Christine Leonor Ma. C. Conducto ang delegasyon ng mga espesyalista na layong malaman ang mga programa at serbisyo ng Kabahagi Center.

Binisita rin nila ang mga pasilidad at kagamitan na ginagamit sa pangangailangan ng mga batang may kapansanan.

Inaasahan ang magiging pagtutulungan ng Kabahagi Center at ng PCMC sa larangan ng program implementation and management at research and development para sa patuloy na ikauunlad ng bawat #BatangKabahagi.

+12