Bilang tugon sa pag-ulang dulot ng habagat, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng dewatering at pumping operations ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa iba-ibang bahagi ng lungsod upang makatulong sa mas mabilis na paghupa ng baha at pagbaba ng water level sa mga apektadong lugar.
Mula kahapon, nagsasagawa ng pumping operations sa G. Araneta Ave. cor. E. Rodriguez Ave., Barangay Tatalon, kung saan inilalabas ang tubig mula sa drainage system patungo sa San Juan River upang makatulong sa pagpapabilis ng drainage sa G. Araneta Avenue. Nagkaroon rin ng pumping operations sa mga detention basin sa Palmera Homes Phase 3, Brgy. Sta. Monica; G. Araneta Ave. cor. Maria Clara St.; at G. Araneta Ave. cor. N.S. Amoranto St. Ipinatupad naman ang pumping operations sa Alegria Creek upang makatulong sa pagpapabilis ng pagbaba ng water level sa lugar.
Patuloy ang Quezon City Government sa iba pang kinakailangang response operations upang mapabilis ang paghupa ng baha, maibsan ang epekto ng pag-ulan, at matugunan ang mga lugar na nangangailangan ng karagdagang intervention.










