Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dahil sa mga pag-ulan dulot ng Habagat, agad na nagsagawa ang Quezon City Government, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ng dewatering at pumping operations sa G. Araneta Ave. cor. E. Rodriguez Ave., Barangay Tatalon, upang mapababa ang water level sa drainage system. Inilalabas ang tubig mula sa drainage system patungo sa San Juan River upang mapanatili ang sapat na kapasidad ng drainage system sakaling lumakas pa ang ulan.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng mga response operation, katuwang ang concerned agencies, upang makatulong na mapabilis ang paghupa ng baha sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.









