Patuloy ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa pagsasagawa ng mga dewatering at pumping operations sa mga detention basin upang makatulong sa mas mabilis na pagbaba ng water level, lalo na habang nananatiling mataas ang level ng tubig sa mga kalapit na creek at ilog.
Kabilang dito ang dewatering operations sa mga detention basin sa G. Araneta Ave. cor. Mauban St.; G. Araneta Ave. cor. Maria Clara St.; G. Araneta Ave. cor. N.S. Amoranto St.; at Doña Carmen Ave., Brgy. Commonwealth. Gumagamit ng dewatering at booster pumps upang mapabilis ang paglabas ng naipong tubig at agad na maibalik ang storage capacity ng mga detention basin.
Kasabay nito, patuloy ding isinasagawa ang iba pang kinakailangang engineering interventions upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig, maiwasan ang pagbaha, at agad na matugunan ang mga apektadong lugar.










