Sa kabila ng pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod dulot ng walang tigil na pag-ulan, patuloy ang Quezon City Government sa pagpapatupad ng mga kinakailangang engineering interventions, kabilang ang dewatering at pumping operations, upang makatulong na mapababa ang water level at maiwasan ang pag-apaw ng tubig sa mga apektadong lugar.
Kabilang dito ang patuloy na pumping out ng floodwater mula sa Detention Basin sa Dunhill St., Brgy. Fairview, gamit ang dewatering at booster pumps upang mapabilis ang paglabas ng naipong tubig patungo sa outfall at mapanatiling may sapat na kapasidad ang detention basin.
Kasabay nito, patuloy ring isinasagawa ang iba pang kinakailangang engineering interventions upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig, mapabilis ang paghupa ng baha sa mga apektadong lugar, at matiyak ang kaligtasan ng mga QCitizens.









