Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mapabilis ang pagbaba ng water level sa mga detention basin. Kabilang dito ang dewatering at pumping operations na isinasagawa ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), lalo na sa mga lugar na nananatiling mataas ang water level sa mga kalapit na creek at ilog.
Kabilang dito ang dewatering sa mga detention basin sa Palmera Homes Phase 3, Brgy. Sta. Monica; G. Araneta Ave. cor. E. Rodriguez Ave., Barangay Tatalon; Pearl Drive; at Dunhill St., Brgy. Fairview. Gumagamit ang QCDE ng dewatering at booster pumps upang mapabilis ang paglabas ng naipong tubig at agad na maibalik ang storage capacity ng mga detention basin.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang iba pang kinakailangang engineering interventions upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig, mapalakas ang flood mitigation efforts, at maagap na matugunan ang mga lugar na nangangailangan ng karagdagang intervention.










