Bilang tugon sa itinaas na Orange Rainfall Warning sa Quezon City, kaagad na nagsagawa ng dewatering at pumping ng tubig mula sa drainage system sa iba- ibang bahagi ng lungsod, sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering. Ito ay upang makatulong sa mas mabilis na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.
Ngayong gabi, nagsasagawa ng pumping operations sa G. Araneta Ave. cor. E. Rodriguez Ave., Barangay Tatalon, kung saan inilalabas ang tubig mula sa drainage system diretso sa San Juan River upang makatulong sa drainage ng G. Araneta Avenue. Nagsasagawa rin ng pumping operations sa Doña Carmen Ave., Barangay Commonwealth.
Agad na isinasagawa ng Quezon City Government ang mga ganitong response operations upang makatulong sa mas mabilis na drainage ng tubig, maiwasan ang pagbaha, at mapabilis ang paghupa nito.









