Sa bisa ng Proclamation No. 213, idinaraos ang Diabetes Awareness Week tuwing ikaapat na linggo ng buwan ng Hulyo.
Ang diabetes ay isang sakit na dulot ng sobrang pagtaas ng lebel ng asukal sa dugo na maaaring magbunga ng mga kumplikasyon sa katawan.
QCitizens, panatilihing malusog ang katawan at ugaliing mag-monitor ng blood sugar level. Alamin ang mga paraan upang maiwasan at maagapan ang diabetes: https://www.facebook.com/share/v/1HXDyrjV2F/
Sa Quezon City, maaaring makakuha ng libreng gamot ang mga QCitizen na may diabetes. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa programa, tingnan ang gabay na ito: https://quezoncity.gov.ph/…/how-to-avail-of-free…/
