Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagkaroon ng pulong ang Mayors for Good Governance (M4GG) at Department of Health (DOH) upang talakayin ang mga hamon sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Pinangunahan ni DOH Secretary Edwin Mercado ang dayalogo, kasama ang mga miyembro ng M4GG kabilang si Mayor Joy Belmonte. Tinalakay dito ang access sa gamot, vaccines, medical assistance, hospitalization, hospital financing, at iba pang health programs.
Layon ng pulong na mailapit sa DOH ang mga aktuwal na karanasan ng LGUs at makapaglatag ng mga konkretong hakbang upang higit na maging epektibo ang pagpapatupad ng mga national health programs para sa mga lokal na pamahalaan at kanilang mga nasasakupan.










