Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagdayalogo si Mayor Joy Belmonte sa mga vendor sa lungsod upang pakinggan ang kanilang mga hinaing, pangamba, at mungkahi kaugnay ng kanilang kabuhayan.
Ipinaliwanag ni Mayor Joy ang pagpapatupad ng Discipline Zone Ordinance, at binigyang-diin na hindi layunin ng Lungsod na basta-basta na lamang hulihin o tanggalin ang mga vendor.
Hinimok din ang mga vendor na i-report sa Helpline 122 o QC iReport ang anumang pang-aabuso o pagmamalabis ng mga kinauukulan.
Patuloy na nakikinig ang Pamahalaang Lungsod upang makahanap ng solusyong makatutugon sa concerns ng mga vendor habang pinananatili ang kaayusan sa mga pampublikong lugar.










