Congratulations sa 258 QCitizens na nagtapos sa second cohort ng Digital Beauty Academy na programa ng L’ Oréal, TikTok, SPARK! Philippines, at Quezon City Government.

Bawat graduate ay sumailalim sa 15 session sa loob ng dalawang buwan, kung saan tinuruan sila ng hairdressing, tips sa pagpapaganda o magme-make up, at kung paano gumawa ng content at kumita gamit ito.

Binigyan din sila ng pagsasanay sa financial literacy, responsableng paggamit ng social media, at kung paano mapapangalagaan ang mental health.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Mayor Joy Belmonte ang mga kalahok na gamitin ang kanilang natutunan para mas mapaganda pa ang kanilang content, mas dumami ang followers, at mas makilala pa bilang content creators.

Nagbigay din ng kanilang mensahe bilang suporta sina L’ Oréal Philippines Corporate Affairs Director Krhizalie Pasigan, TikTok Philippines Head of Policy Kristoffer Rada, SPARK! Philippines Executive Director Maica Teves, at content creator na si Teree Daisuke.

+17