Congratulations sa 259 QCitizens na nagsipagtapos sa Digital Beauty Academy ng L’Oreal Philippines!
Inilunsad ito ng Lungsod Quezon, sa pangunguna ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO), at pakikipagtulungan sa SPARK! Philippines, L’Oreal Philippines, at Tiktok Philippines.
Ang two-month influencer training program na ito ay may layong bigyang oportunidad ang mga residente ng lungsod na kumita at matuto sa paggamit ng Tiktok app para sa content creation. Tinuruan din sila ng personality development, hairdressing, pagme-make-up, kung paano maging affiliate at maging responsableng online influencer.
Dumalo sa graduation ceremony ng unang batch ng Digital Beauty Academy sina Mayor Joy Belmonte, SPARK! Ph Executive Director Maica Teves, L’Oreal Philippines Country Managing Director Yannick Raynaud, L’Oreal Philippines Group Corporate Affairs and Engagement Manager Krhizalie Pasigan, SBCDPO Head Mona Celine Yap, at TikTok content creator Lottiebie.