MALIGAYANG PAGBATI, DBA GRADUATES!
Umabot sa 409 indibidwal ang nakapagtapos sa Digital Beauty Academy (DBA), na binubuo ng mga Quezon City University (QCU) students, solo parents, Persons with Disabilities (PWDs), at mothers of PWDs.
Ang DBA ay programang binuo ng Lungsod Quezon, SPARK! Ph at L’Oréal Ph, katuwang ang Tiktok Ph, at Watsons Ph.
Sa loob ng dalawang buwan, sumabak ang QCitizens sa iba-ibang session gaya ng hair care, skin care, at make-up. Bahagi rin ng programa ang paggamit ng Tiktok at iba pang social media platforms at maging financial literacy.
Tumayong kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Councilor Irene Belmonte, kasama sina SPARK! Ph Executive Director Maica Teves, QCU President Dr. Theresita Atienza, L’Oréal Ph Country Managing Director Yassine Bakkari, L’Oréal Ph Corporate Affairs and Engagement Director Krhizzy Pasigan, Watsons Ph Category Manager for Trading Beauty Zyra Tinio, Watsons Ph Senior Manager for Sustainability Lexie Coloma, at TikTok Ph Public Governance Representative Simoun Antonio Salinas.




