Pinarangalan ng software company na DocuWare ang Quezon City ng Digitial Leader in Asia Pacific Award.
Personal na tinanggap nina City Administrator Michael Alimurung at Information Technology Development Department (ITDD) OIC Mary Ann G. Cruz ang parangal mula kay DocuWare Director of Sales Hüseyin Yilmaz ngayong Martes.
Ang parangal ay iginawad bilang pagkilala sa digital transformation sa mga proseso ng lungsod na nakatulong sa pagpapabilis at pagsasaayos ng mga serbisyo para sa mga QCitizen!








