Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pagdiriwang ng #OpenGovWeek na inorganisa ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) at Department of Budget and Management (DBM).

Layon ng pagtitipon na talakayin ang iba-ibang inisyatiba para maitaguyod ang transparency, participation, inclusion, at pagkakaroon ng accountability sa pamamahala.

Nagsama-sama rin ang iba pang mga stakeholder mula sa Government offices, Local and International Non-Governmental Organizations at Civil Society Organizations upang mas pagtibayin ang kanilang ugnayan at pagtutulungan.

Noong 2023 ay nakatanggap ng parangal bilang ‘OGPinas Champion’ ang Quezon City Government mula sa Philippine Open Government Partnership dahil sa mga proyekto ng lungsod na nakasentro sa pag-unlad ng QCitizens.

+4