Blessed Saturday, QC!
Bilang pakikiisa sa Diocesan Anti-Trafficking Awareness Month, dumalo si Mayor Joy Belmonte sa opening program at launching ng Mamamayan Laban sa Pangangalakal ng Tao (MATA) sa St. Peter Parish.
Pinangunahan ito ng Diocese of Novaliches at Diocesan Ministry Against Human Trafficking (DMAHT) katuwang ang iba pang parishes, advocates, government at non-government organizations.
Layon ng MATA na makipagtulungan sa mga komunidad, pulisya at lokal na pamahalan upang mawakasan ang mga krimen na may kinalaman sa human trafficking.
Sa talumpati ng alkalde, ibinahagi niya ang mga programa at epektibong hakbang ng lungsod upang mahinto ang human trafficking, illegal recruitment, at child labor sa QC.
Makikita rin sa Anti-Trafficking exhibit ang iba-ibang artworks ng QCitizen students.
Dumalo sa programa sina Bishop of Novaliches Most Rev. Roberto Gaa, D.D, DMAHT Diocesan Priest Director Rev. Fr. Ronnie M. Provido, at Former Senate Majority Floor Leader Senator Francisco Tatad.