Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
NEW SOLARIZED SCHOOL IN QC! ![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang ceremonial lighting sa solar power system ng Diosdado Macapagal Elementary School ngayong araw.
Tinatayang aabot sa P170,000 ang estimated savings ng eskwelahan simula nang maikabit ang 170 solar panels sa pasilidad noong May 2026.
Para sa alkalde, maaaring ilaan ng eskwelahan ang kanilang natipid sa kuryente sa iba pang proyektong tunay na mapakinabangan ng mga estudyante.
Kaisa sa programa sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, D6 Action Officer and City Market Administrator Atty. Mark Aldave, D1 Action Officer Ollie Belmonte, at Principal Wilma Obras.










