Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
SA QC, KASAMA LAHAT SA PAG-UNLAD!
Aabot sa 584 na mga magulang ng children with disabilities sa Lungsod Quezon ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Social Services Development Department (SSDD) ngayong Sabado.
Sa ilalim ng Persons with Disability Welfare Program ng SSDD, layon ng financial aid na matulungan ang mga kabataan sa kanilang gastusin sa matrikula at eskwelahan.








