Agad na bumisita at kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Obrero para alamin ang kanilang kalagayan sa evacuation center.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang alkalde sa barangay at sa komunidad na apektado ng sunog para agad na matugunan ano man ang kanilang pangangailangan.
Nagpaabot na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan tulad ng hot meals, relief goods, health and medical services, at mga gamot.
Patuloy namang nakaalalay ang Social Services Development Department, City Health Department, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa QCitizens na nangangailangan ng agarang tulong.




