Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad nagsagawa ng disinfection operation ang City Health Department at City Veterinary Department sa mga litsunan sa La Loma.
Kasunod ito ng pansamantalang pagpapasara ng mga litsunan sa lugar matapos magpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang baboy.
May mga itinalaga na ring checkpoints upang masiguro na walang baboy na ibababa upang katayin sa La Loma.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng QC Government sa mga negosyante upang matiyak na de-kalidad ang mga produktong ibinibenta sa La Loma.










