Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Quezon City ang kampeon sa pagbibigay ng proteksyon sa mga hayop!
Ginawaran ng Department of Agriculture ng Distinguished Award for Advancing Animal Welfare in the Philippines ang Quezon City Government, dahil sa mga inisyatibo ng lungsod sa pagsusulong ng animal welfare.
Ayon sa Bureau of Animal Industry, ang parangal ay pagkilala sa mga inisyatibo ng QC para sa mga hayop tulad ng pagtatalaga ng pet evacuation area kapag may kalamidad, mabilis na pag-rescue sa mga hayop, at malawakang libreng rabies, spay and neuter, at consultation para sa mga alagang hayop.
Pormal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal mula sa DA-BAI, kasama si City Veterinarian Dr. Rey Del Napoles.








