Nag-umpisa na ang distribusyon ng mga automated counting machines (ACMs) at ballot boxes ng COMELEC sa mga clustered precints sa Districts 1, 5, at 6 ng lungsod bilang paghahanda sa darating na National and Local Elections 2025.
Mula sa Amoranto Sports Complex, lulan ng public utility jeeps at government vehicles ang mga ACM, baterya, ballot boxes, at mga balota patungo sa mga voting polls sa Lungsod Quezon.
Tulong-tulong ang mga kawani ng lokal na pamahalaan upang matiyak na maayos ang distribusyon ng mga kagamitan ng COMELEC.




