Isa-isa nang dinadala sa polling precincts ang mga balotang gagamitin sa #Eleksyon2025.
Tulong-tulong ang mga kawani ng Department of Public Order and Safety, Transport and Traffic Management Department, General Services Department, at mga guro para maayos at mabilis na maihatid ang mga balota sa mga presinto.
Kaagapay ng Commission on Elections (COMELEC) ang lokal na pamahalaan para matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang midterm elections ngayong taon.




