Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mas pinalakas pa ng Quezon City Government ang suporta sa mga mag-aaral na may visual impairment!
Ngayong Huwebes, nagbigay ang QC Government, sa pangunguna ng QC Persons with Disabilities Affairs Office (QC PDAO) ng e-Braille devices para sa mga pampublikong paaralan.
Nakatanggap ng devices ang Special Educational Needs and Disabilities schools, kabilang ang Melencio Castelo Elementary School, Rosa Susano Novaliches Elementary School, at San Vicente Elementary School.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang official turnover ng mga kagamitan sa mga guro, kasama si QC PDAO Head Debbie Dacanay.










