Aabot sa 173 displaced public utility drivers at operators ang naging benepisyaryo ng EnTSUPERneur program ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan nakatanggap ng livelihood package na may halagang P30,000 ang ang ilang piling tsuper ngayong araw.

Nais nitong matugunan ang mga pangangailangan ng mga PUV drivers at operators na apektado ng PUV Modernization Program ng national government.

Binigyan ng mga supply at starter kit ang mga benepisyaryo para sa alin mang mapili nilang pangkabuhayan tulad ng bigasan, Nego-Kart, carwash package, o carinderia.

Nakiisa sa pamamahagi ng mga pangkabuhayan package sina Mayor Joy Belmonte, DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) NCR Atty. Zona Russet Tamayo.

+15