Aabot sa 22 batang QCitizens, nabigyan ng libreng Hearing Aid mula sa lokal na pamahalaan at EarAccess Philippines.
Bawat bata ay sumailalim sa masusing assessment. Ang mga ibinigay na hearing aid ay tinitiyak din na akma sa pangangailangan ng bawat benepisyaryo.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte at Persons with Disability Affairs Office Head Deborah Dacanay ang pamamahagi ng mga assistive device kaninang umaga.